Maria Chloe Cabanes
5 min readFeb 10, 2021

--

SOCIAL MEDIA: NAGAGAMIT MO BA NG TAMA?

https://dcd2fe06bf58808e48f5-f58c1372aeba1bc7277f53e7c981d121.ssl.cf5.rackcdn.com/03615880253011e99c238b74b8cd88ac_shutterstock_1045990363.jpg

The use of Social Media and its overall involvement in our lives has grown immensely over the past decade. Maging sa trabaho, sa school-purposes man yan o sa pang-araw araw na buhay. Sabi nga ng iba, hindi nila kaya na hindi magbukas ng kahit anong social media within one day. Sobrang useful naman kasi talaga. Nakakatuwang isipin na dahil sa social media ay napapadali ang buhay natin. Dati, pagsusulat ng letter ang isa sa mga ginagawa natin kapag namimiss na natin iyong kamag-anak na nasa malayo. Hassle at maraming patience ang kailangan mo rito. Pero yan ay noon. Ngayon, isang click mo lang, message sent agad.

Sa kahit anong aspect ng buhay natin, gumagamit na tayo ng social media. Ngayong panahon ng pandemic, talagang pinatunayan nito ang kahalagahan at impact nito sa ating buhay. Maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya, ayon sa WHO-mas mabuting magstay sa bahay upang iwas Covid. Pero paano na lang ang pangkain ng pamilya? Online-selling! Ito ang kadalasang hanap buhay ngayon ng mga pinoy, sa pagbebenta online. Dito pa lang ay kitang kita na natin ang pakinabang ng social media. It allows you to earn money even at home! Syempre, magpapahuli pa ba ang online class? Sa gitna ng pandemiya, naging solusyon ang mga social media apps upang ipagpatuloy pa rin ang academic year na ito. Dito ay gamit na gamit natin ang ating facebook at messenger para maging updated and connected sa mga nangyayari sa klase. Zoom, Gmeet, Skype at iba pang video chat apps ang ginagamit upang isagawa ang mga activities and meetings. Nakakamangha ang social media ano?

Naalala ko noon, ang saya sa feeling na nag-oopen ka ng facebook mo na ginawa pa ng tita or ate mo with matching pa-cute na profile picture, at ang kadalasang makikita mo sa newsfeed eh, ‘jgh’, o di kaya ang mga palaban na hugot na‘ ,,. mAy lAhi k bng keyboard? tYp3 ksi kitAH.,, at syempre ang mga selfies with matching caption ‘sElpi3 lANg pAG mhay Tim3 jejeje Xd. Nostalgic ba? Nostalgic, because?

As much as we miss those time, we are also hoping na babalik ang ganong vibes sa social media. Bakit? Alam nating lahat kung gaano na katoxic ang social media. Mayroong mga pagkakataon na gusto mong mawala ang lungkot mo kaya nag-open ka ng social media mo, ang ending mas lalo ka lang naging malungkot. Madalas kasi ngayon sa mga tao, hindi na ito ginagamit to spread goodvibes. Iyong newsfeed mo punong puno ng kung anu-anong issue at videos ng mga nagsasabunutang kabit vs. legal wife or di kaya sumbong kay Idol Raffy tungkol sa asawang hindi na nagbibigay ng support sa anak. Nakakalungkot no? Balik na lang ulit tayo dun sa ‘pIctur3 wiTh my dOg, Aqoe poH yuNg naKawhitE jejeje.’

Sa totoo naman, hindi naman kasi talaga mapipigilan ang pagbabago. Natatapos ang era ng jeje days, ang hypebeast gang pero kailangan natin tandaan na ang social media ay ginawa pa rin hindi upang maghatid ng bad vibes kundi entertainment, positivity and engagements sa ibang tao.

Ang social media ay ginawa upang mas mapadali ang buhay natin, pero alam natin na sa ngayon ito na rin ang dahilan kung bakit bumabagal at wala tayong nagagawa sa isang araw. Gamitin natin sa tamang paraan ang mga bagay at itanim sa isip ang mga dahilan kung bakit ito ginawa. Kung maghahasik ka lang ng bad vibes halimbawa sa social media na Facebook, maaring magmeditate ka muna at isiping mabuti kung makakatulong nga ba talaga ang ipopost mo. Think before you click, ika nga.

Isa pang isyu ng social media ay ang mga dumadaming fake news at ang madami ring netizens na nahuhulog rito. Sa paggamit ng social media, hindi lamang yan basta lang magpopost ng kung ano-ano lalo na kung nagbibigay ka ng impormasyon. Siguraduhin muna natin o iyong tinatawag na fact checking kung tama ba nag iyong ipopost. Kahit sa pagshi-share, ay dapat maging responsible tayo sa ating mga binabahagi. Kapag naman sa tingin mo ay mali ang nakalagay sa post, maging concern din sana tayo na i-tama ang mga ito. Huwag tayong maging madamot sa tamang impormasyon.

Ang social media ay makapangyarihan, maari nitong lasunin ang isip mo sa mga paniniwalang pinapaburan ng maraming tao. Sa puntong iyon, mas mabuti na ikomperma muna ang isang bagay bago tayo tuluyang maniwala rito. Hindi naman iyon ibig sabihin e, to see is to believe agad. May google naman kasi Karen. Halimbawa na dito ay iyong sa Covid-19. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa post ng isang netizen na nagsasabing 2021 na raw at baka maniwala pa raw ang mga taong mayroon talagang Covid-19. Napakamot ulo na lang ako. Mabuti at marami ang nag komento na nagpapatunay na mayroon talagang Covid. Marami pa naman ang sumang-ayon na wala raw talaga at niloloko lang daw ang mga Pilipino ng mga nasa gobyerno.

Huli, gamitin natin ang ating mga social media accounts ng may kabutihan. Kagaya ng nabanggit ko sa taas, bilang isang netizen rin ay responsibilidad din natin na itama ang mga maling impormasyon na kumakalat online, pero hindi ibig sabihin nito ay rereplyan mo din ng ‘savage’ mong pananalita. Lumang pangaral, kahit saan man tayo, personal mang sinasabi or via online, importante na sasagot tayo ng mga respeto at may paggalang. Sagutin sa paraang hindi nakakaooffend. Hindi yun pagiging KJ, tandaan na pupwede pa rin tayong makapagpasaya ng tao ng walang inaapakang iba. Educate them properly. It will sound arrogant to those who do not admit that they made a mistake but a person who is willing to learn will appreciate it.

Sa mundong halos lahat ay ginagamit na ang social media sa maling paraan, nawa isa ka sa patuloy na tinatandaan kung ano ang naging dahilan kung bakit iyan ginawa. Hayaan mong maging isa kang halimbawa ng maayos na paggamit nito, use it wisely, wag basta maniniwala sa mga ‘fake news’. Maging maingat rin sa pagbibigay at paglalahad ng mga pribadong impormasyon dito, lalo na at taghirap, maraming scammer sa social media. Oh maging responsableng netizen ha!

Sign up to discover human stories that deepen your understanding of the world.

Free

Distraction-free reading. No ads.

Organize your knowledge with lists and highlights.

Tell your story. Find your audience.

Membership

Read member-only stories

Support writers you read most

Earn money for your writing

Listen to audio narrations

Read offline with the Medium app

--

--

No responses yet

Write a response